February 28, 2013

Sorry. Different from what you expect.

Humihingi lang po ako ng kaunting oras para po mapagdasal ang isang nilalang na ginawan ako ng mali.
FilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFil
Pagdasal niyo po siya na kawaan siya ng Diyos, at sana'y matapos na ang anumang kahirapan ng kasalukuyan niyang hinaharap.
FilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFil
Kayo na lang po maawa sa kanya, pagkat hindi ko po kaya sa ngayon. Siguradong may pinagdadaanan siyang kahirapan sa kasalukuyan, ngunit sana'y hindi na lang niya inilalabas ito sa kanyang mga estudyante.
FilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFil
Hindi ko po kasi talaga kayang maawa sa kanya sa ngayon. Napakasarado ng kanyang isip. Siya lang lagi ang tama, at dahil hindi kayo pareho ng opinyon, ikaw ay mali. Puro mali nga lang ang hinahanap niya di na bali ang ibang mga aspeto ng iyong gawa.
FilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFil
Ang pinakaikinagagalit ko kasi ay ang pagtutol niya sa mga ideya. Dahil ito na ang depenisyon noon, ito na 'yon maghabang buhay. Hindi ko mawari kung paano asesenso ang kahit sino sa pananaw na ito. Ang problem pa'y siya'y makaka
FilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFil
Alam mo hindi na ako galit. Kawawa talaga siya. Siguradong merong siyang pinagdadaan sa kasalukuyan. Nakakainis lang dahil nilalabas niya ito sa kanyang mga estudyante. Buti kung hindi tayo ang susunod sa mga yapak ng henerasyon nila eh. Buti kung hindi ang kinabukasan ang naiimpluwensiyahan niya ng kanyang saradong isip.
FilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFil
Pero sabagay, siya'y magsisilbing isang leksiyon sa buhay. Na mayroon talagang mga taong hindi nagbabago dahil ayaw magbago. Mayroong mga pagkakataon na may madadaan kang taong walang pake sa opinyon ng iba. Na iniisip na matanda na siya kaya't hindi na rin naman siya makakahabol sa mga kasalukuyang bagay, huwag na lang ako susubok magbago.
FilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFil
Sana'y sinubukan lang man niyang makisama sa pagbabago ng panahon. Lahat ay nagagawa kung gugustuhin.

FilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFil

Pero tuwing hindi siya galit sa lahat, at hindi naninigaw, masaya at kahali-halinang magklase. Kaenga-engayong sumagot ng mga tanong at sumali sa pagtalakay. Ngunit tipong isa't kalahating oras lang ay iba na naman ang kanyang emosyon. Sobrang bait, sobrang galit... Napakapabagu-bago. Napaka-unstable. Napaka-bipolar.
FilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFil
Kawawa naman siya. Lahat ng sinisingko niya dahil sa "academic honesty", o kinakwatro niya dahil sa pagscan lamang ng papel nila, o pati ang mga binigyan niya ng tres o 2.5 na dahil nagkamali lang sa paglalapat ng numero ng iyong mga pahina...
FilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFil
Lahat 'yon ay nag-iisip ng masama tungkol sa kanya. Kawawa naman talaga siya. Siguro maari rin itong dahilan ng kalagayan niya ngayon. Ngunit hindi ko po talaga siya mapatawad sa ngayon.
FilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFil
Ang hiling ko po sa inyo ay pagdasal niyo po siya at maawa po kayo sa kanya, dahil andami pong hindi naawa sa kanya. Pagdasal niyo na rin po ako na mapatawad ko na siya at na tuluyang maintindihan ko kung anong kailangan niya.
FilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFil
Sana po ay pagdasal niyo na rin po ang lahat ng mga gumawa ng mali sa inyo, alam man nila o hindi. Mayroon silang pinagdadaan kaya't kakailanganin nila ang lahat ng dasal na maibibigay natin.

FilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFilFil

"Hindi pa po ako handang magpatawad."

No comments:

Post a Comment